Ang 1905 (MCMV) ay isang karaniwang taon na nagsimula sa Linggo sa kalendaryong Gregoryano at isang karaniwang taon na nagsimula sa Sabado sa kalendaryong Juliyano. Ito ang ika-1905 taon ng Karaniwang Panahon (Common Era o CE) at Anno Domini (AD), ang ika-905 taon ng ika-2 milenyo, ang ika-5 taon ng ika-20 dantaon, at ang ika-6 na taon ng dekada 1900. Sa pagsisimula ng 1905, ang kalendaryong Gregoryano ay 13 araw na mas maaga kaysa sa kalendaryong Juliyano, na nanatiling ginagamit sa ilang lugar hanggang 1923.
Sa pagsisimula ng ikalawang taon ng malawakang Digmaang Ruso-Hapones, mahigit 100,000 katao ang namatay sa pinakamalalaking labanan sa daigdig noong panahong iyon. Ang kaguluhang dulot ng digmaan ay humantong sa Rebolusyong Ruso ng 1905 laban kay Nicolas II ng Rusya (bilang paggunita rito, pinamagatan ni Dmitri Shostakovich ang kaniyang Ika-11 Simponiya na Ang Taong 1905) at sa pagsisimula ng rebolusyon sa Kaharian ng Polonya. Samantala, nagpatuloy ang pagpapalawak ng Kanada at Estados Unidos sa kanluran sa pamamagitan ng pagkakatatag ng mga lalawigan ng Alberta at Saskatchewan at ng pagkakatatag ng Las Vegas. Noong 1905 rin, inilathala ni Albert Einstein, na noon ay naninirahan sa Bern, ang kaniyang apat na Annus Mirabilis na papel sa Annalen der Physik (Leipzig) noong Marso 18, Mayo 11, Hunyo 30, at Setyembre 27, na naglatag ng mga pundasyon ng mahigit isang dantaong pag-aaral sa teoretikal na pisika.
Isang sunod-sunod na tatlong sunami na may taas na 41 metro (135 talampakan) ang pumatay sa 61 katao sa Noruwega, matapos gumuho ang malaking tipak ng bato mula sa Bundok Ramnefjell at bumagsak sa Lawa ng Lovatnet.[1]
Hunyo 7– Idineklara ng Storting, ang parlamento ng Noruwega, ang pagbuwag sa unyon sa pagitan ng Noruwega at Suwesya, na nagbigay sa Noruwega ng ganap na kasarinlan.[7]
Hulyo 15 – Ipinakilala sa Pransiya ang tanyag na kathang-isip na tauhang si Arsène Lupin, ang maginoong magnanakaw.[8]
Agosto 23– Matapos ang isang panahon ng katahimikan kasunod ng nakamamatay na paglanap ng kolera sa Pilipinas, lumitaw ang mga pinaghihinalaang kaso sa Maynila, na nagpanatili sa Lupon ng Kalusugan ng Pamahalaang Insular sa mataas na antas ng pagbabantay.[9]
Datu AliSetyembre 18– Nagbitiw si Arsenio Cruz Herrera sa kaniyang tungkulin bilang unang Alkalde ng Maynila matapos ang paulit-ulit na hindi pagkakasundo kay Luke Wright, ang Gobernador-Heneral ng Estados Unidos sa Pilipinas. Mahigit apat na taon nang nanungkulan si Cruz, mula nang likhain ang posisyon noong 1901 upang bigyan ang mga Pilipino ng pamamahala sa kabisera ng Kapuluang Pilipinas. Humalili sa kaniya si Felix Roxas.[10]
Oktubre 22– Naganap ang Labanan sa Ilog Malalag sa Pilipinas sa pagitan ng mga hukbong Amerikano at mga rebeldeng Moro ng Sultanato ng Maguindanao. Labindalawang Moro ang napatay, kabilang ang kanilang kumander na si Datu Ali, samantalang isang sundalong Amerikano ang nasawi, at 43 Morong bihag ng digmaan ang nabihag.[11][12]
Nobyembre 21– Unang nailathala ang makabagong papel ni Albert Einstein tungkol sa pagkakatumbas ng masa at enerhiya (na inilalarawan ng ekwasyong E = mc²), na may pamagat na "Ist die Trägheit eines Körpers von seinem Energieinhalt abhängig?" ("Nakabatay ba ang Inersiya ng Isang Katawan sa Nilalaman Nito na Enerhiya?"), sa Aleman na pahayagang pang-agham na Annalen der Physik.[13]
↑Cristina Evangelista Torres, The Americanization of Manila, 1898-1921 (University of the Philippines Press, 2010) p.53 (sa Ingles)
↑"Troops Kill Moro Chief— Ali, His Son, and Ten Followers Slain in Fight— Forty-three Prisoners", The New York Times, Oktubre 29, 1905, p.1 (sa Ingles)
↑"Troops Kill Moro Chief— Ali, His Son, and Ten Followers Slain in Fight— Forty-three Prisoners", The New York Times, Oktubre 29, 1905, p.1 (sa Ingles)
↑David Bodanis, E=mc2: A Biography of the World's Most Famous Equation (Bloomsbury Publishing, 2009) (sa Ingles)
↑Kramolnikov, G. (1931). "Bolshevikkien konferenssi Tampereella v. 1905". Bolshevikkien toiminta Suomessa ja Viaporin kapina (sa wikang Pinlandes). Leningrad: Valtion kustannusliike Kirja. pp.103–113. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 5, 2019. Nakuha noong Oktubre 15, 2023.